Tuesday, October 5, 2010

11 reasons kung bakit ka single

Isa ka ba sa mga ito?

Reason #11: Destiny Adik
  • Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life". - Ayan! Kakapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nyo ang nangyayari sa movie eh mangyayari din sa inyo. Such a cliche. Kung walang effort, walang destiny is useless!
Reason #10: Perfectionist/Mapili
  • Tipong dapat ganito ang magiging ka-partner ko. Pag may nakilala, nakita na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw - ayaw sa mabait kasi boring, gusto ng bad boy/pilya pero pag pinaiyak naman tatanungin mo kung "bakit ang sama mo ginawa yun?".
Reason #9: Busy-busyhan
  • Eto yung mga taong ang mundo eh gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng 6 or 7 ng umaga at uuwi agad ng bahay pagkatapos ng trabaho/school. Kung weekends, masaya na sa harap ng TV, DVD Marathon, food trip at magsisimba. Pssst, take a break naman, kaibigan!
Reason #8: Friendship Theory
  • Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend, na hindi masabi-sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may ibang kasama si friendship, nagseselos na wala naman sa lugar pero syempre wag papahalata, kunyari happy sya for friendship. Hello?! Baka pagsisihan mo yan, ikaw rin! Minsan pa naman pareho lang pala kayong naghihintayan.
Reason #7: Born-To-Be-One (Autistic)
  • Eto yung mga may linya sa palad na talagang pinanganak silang single daw - walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa mundong mag-isa.
Reason #6: Happy-Go-Lucky
  • Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings sa buhay. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang daw ang lahat. Walang halong seryosohan.
Reason #5: Wrong Place
  • May naka-experience na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka? Yung ang nakakaharap mo eh yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap? Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo eh yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka ng patiwarik.
Reason #4: Wrong Time
  • Kapatid ni reason #5. Eto yung mga taong sinasabi na "hindi pa ako ready. Bata pa ako" o kaya naman "Wala pa akong maipagmamalaki". Yes, meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Aww! Kelan yun? Pag matanda ka na't uugod-ugod na? Hala, go na!
Reason #3: Si Parents Kasi
  • Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni inay o itay na magkaroon ka ng syota kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna ng 40 bago magkaron ng bf/gf. O kaya naman choice mo yun mismo! Takot sa sasabihin ng parents at ni kapitbahay ng tsismosa sa magiging kasama mo. Aba, ikaw na nga ba ang sabihan ng "Alam mo, hindi kayo bagay." Payo ko lang: Pakialam nila?
Reason #2: Traumatic Experience
  • Eto kalimitan ang reason ng marami. "Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!" O diba, parang linya lang sa pelikula? Yes tama kayo. Eto yung dahil sa past relationhip na until now ayaw mo pa rin magkaron ng karelasyon dahil sinumpa mo na ang magmahal - dahil sa pinagpalit ka sa iba o kaya naman iniwan ka ng walang dahilan. Eto lang masasabi ko: Iba't iba ang lasa ng pag-ibig - may mapait, mapakla, matamis at maasim. Mapalad ka at natikman mo ang iba't ibang lasa nito. Kaya ikaw, do not be afraid to fall in love all over again. Hay pag-ibig nga naman. Drama!
At ang pinaka-ultimate sa lahat!
Reason #1: EX to the Nth Power!
  • Aminin! Love mo pa rin si EX kahit 1 or 2 years na ang nakalipas. May ganito naman. Yung tipong ilang taon na eh hindi ka pa rin maka move on dahil mahal mo pa din sya. Yung pinagsamahan, tawanan, iyakan at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyo ng magpaalam sa isa't-isa. YES, after a year sasabihin natin, "I'm over him/her na.", pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa iyong kalooban. Ano kaya yun?! AMININ mo na kasi, MAHAL mo pa si EX...Isa lang ang masasabi ko, well, mahirap sya kalimutan alam ko yan, pero open your heart and try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. Have a break, have a kitkat! Ü
Sino ka dyan? Ü


(As if naman na hindi din ako single ngayon. LOL na lang.) =))

2 comments:

Unknown said...

the case of the ex. the case of the busy days. probably busy with the ex. -- http://thephilguild.weebly.com/

Traveliztera said...

#3 hahahahaha